Wednesday, March 20, 2013

Tanganglawin

Nang may nakakita ng mga nakagagalit na nilalaman tungkol sa Ateneo sa Varsitarian ng UST, nagkaroon ng "labanan" sa dalawang pamantasan na ito. Ang mas malala, nangyari ito noong naglalaban ang Ateneo Blue Eagles at ang UST Growling Tigers sa UAAP Basketball Finals. Pagkatapos, nagkakaroon pa rin ng mga nakagagalit na nilalaman mula sa Varsitarian. Sa huli, pagkatapos ng ilang buwan, may ginawa na rin ang Matanglawin. Ang Matanglawin ay isang publikasyon ng mga estudyante sa Ateneo na gumagamit ng Filipino. Nilikha nila iyong "Tanganglawin"; ang logo na ginamit para roon ay batay sa logo ng UST (ginawa "smiling sun" iyong araw sa logo)

 Mabilis kumalat ang "Tanganglawin" sa mga estudyante ng Ateneo

Sa palagay ko, "mass-production" yata itong "Tanganglawin"


Lahat ng mga estudyante ay kumuha / kumukuha / kukuha ng kopya.

Malinaw rito ang logo na ginamit para sa Tanganglawin.

Ang paggamit ng mga salita sa "Tanganglawin" ay maloko rin. Sa unang pahina pa lang makikita ito. Comelec ginawa cumerect. Elections ginawa erections. At marami pang iba. Ah, "founded on 6969 B.C." raw ito.  

Unang beses ko yata ito nakakita may isyu iyong Matanglawin. Siguro kasi hindi "mass-production" iyong mga nakaraang isyu. 

Ano kaya tawag sa mga ganyan? Postmodern journalism? Postmodernong pamamahayag? 

Monday, March 11, 2013

Maalinsangan


Ano tatawagin ng mga tao sa ganooon na panahon? Ano ang (mga) pang-uri na pinaka-madalas gagamitin para sa ilarawan ang ganoong sitwasyon? Ang karaniwang gagamitin nating salita ay mainit.


Subukin naman natin gamitin iyong "maalinsangan".

Ayon sa UP Diksyonaryo Filipino,
Alinsangan
png. matinding init ng panahong


Sa mga salita iniiwan ng kultura ang mga kanilang kasaysayan. Hindi naman puwede sabihin na katumbas talaga itong salita sa 'mainit' at mga ibang kasingkahulugang salita. Ang mga salita na ito ay nilikha dahil iyong kahulugan ay mahalaga sa kulturang na iyon. Ang isang lenguahe na mayaman sa bokabularyo ay katumbas isang mayamang lipunan sa kulturang aspekto. Sa Pilipinas, ang karaniwang clima ay "dry" and "wet" lamang dahil ang Pilipinas ay nasa "tropical zone". Sa "tropical zone", ang madalas na temperatura ay matataas. Posible mainit at "dry" o mainit at "wet" ang panahon. Maalinsangan ang tawag sa panahong "hot and humid". Hindi basta mainit ang inilarawan ito. May tiyak na binabahagi ito. Huwag naman natin ibaliwala ang mga nilikha na bokabularyo.

Ngayon ko rin lang nalaman ito.






Wednesday, March 6, 2013

Bugtong - Bugtungan

Chill lang. 
Hindi ito transmisyon mula sa isang eksena tungkol sa katapusan ng mundo.

Mula ito sa Kostka 302. 
Nagkaroon ng isang gawain. Ito ay bugtungan. 

Bugtong
         Ang bugtong sa Ingles ay "riddle". Alam natin na ang mga bugtong ay kailangan maintindihan ng mabuti upang makuha ang mga tamang salita katumbas sa mga hindi tiyak ng larawan.

        Noong wala pa mga teknolohiya sa kapaligiran natin, ang mga bugtong ay bilang mga karaniwang libangan para sa mga tao. Dahil ang mga bugtong ay nagpapasigla ng "critical thinking", nagiging isang moda ng edukasyon ang mga ito. "Patulang Palaisipan" ang tawag sa mga bugtong. Dahil dito, ang mga bugtong ay itinatawag ng "Paaralang-bayan". Hindi lang akademikong halaga ang makukuha sa mga bugtong, at mauunawaan din ng isang tao ang mga kulturang halaga. Mga bugtong na ito ay ipinapasa mula sa isang herenasyon sa iba. Nang dumating na sa panahon ng teknolohiya, nagkaroon ng mga bagong konsepto (siyentipiko o kultural), at mga ito ay isinama na rin sa paggawa ng mga bagong bugtong. 

      Halimbawa:
      Mga sagot ng mga klasikong bugtong
  1. Buwan
  2. Aso
  3. Papaya
  4. Dila
  5. Ampalaya                    

     Mga sagot ng mga modernong bugtong
  1. Compact powder
  2. Bolpen de-pindot
  3. Baril
  4. Plantsa
  5. Thermometer
          Kapag ang isang tao ay makakuha ng mga sagot ng mga bugtong, madalas ang isinisabi sa kanya ay "learned" o "mataas siguro ang IQ niya" at mga iba pa. Makikita natin sa mga ganoong reaksiyon ang akademikong halaga ng mga bugtong. bukod sa halaga para sa libangan lamang.

          Balik tayo sa "50-50 (o 80-20) audio-video clip" na iyan. Kahit mukhang matindi ang mga reaksyon, mapapansin naman na ang bugtungan talaga ay may libangan, kahit nagaganap ito sa isang akademikong tagpuan. Pero nagkakataon din na nakalungkot ito (katulad sa audio/video clip), kapag mali ang binigay na sagot, tapos tama lahat ang mga nag-steal. Ang grupo namin lang hindi nakakuha ng puntos sa bugtong na iyon. Hanggang sa libangan na nila iyon. Pero kahit ang group namin ay hindi nakakuha ng pinakamataas na marka sa huli, nasiyahan naman lahat kami dahil sa natutuhang akademikong at kulturang halaga na ibinibigay ng mga bugtong.


Tuesday, February 26, 2013

Salita Bilang Manipestasyon ng Kultura


"Language is an arbitrary system of signs"

            Naisip ko muli ang itong pangungusap nang tinalakayan sa klase na ang mga salita ay bilang mga alaala. Sa katunayan, hindi sa basta bastang paraan lang nagkakaroon ng mga salita. Ang mga salita ay nilikha ng mga tao upang maging terminolohiya ng isang bagay. At ang mga salita na ito ay ginawa ayon sa mga karaniwang bagay ng isang partikular na kultura. Pero nang isinabi ang mga salita sa berbal na paraan, may pagkagawi na maging medyo magkaiba sa tunog. Posible ito dahil para mas magandang pakinggan o mas madaling sabihin ang mga salita na ito kaya nag-iba iyong salita. Pagkatapos ito na ay madalas na ginagamit ng mga tao, permanente na ito at mahirap na ibalik sa orihinal na anyo. Nangyayari ito dahil sa kapangyahiran ng kumbensiyon. Mula sa kultura ang kumbensiyon na ito. 


           Malaki ang impluwensiya ng mga mananakop sa isang kultura. Dahil malakas sila, ang pagkagawi ay dadalhin nila ang mga kanilang produkto (at mga idea) upang mapabuti ang kanilang mga kalupaan. Sa prosesong ito, ang resulta ay pagdagdag ng mga bagong salita para sa mga idinala ng mga mananakop. Sa kaso ng Pilipinas, ang Filipinong kultura ay naimpluwensiyahan ng Kastilang kultura at Amerikanong kultura. Para sa mga Kastila, ang pinakamahalaga aspekto ay ang relihiyon. Ang Katolisismo ang naging nangingibabaw sa kulturang Filipino. Para sa mga Amerikano, mahalaga ang edukasyon at demokrasya. At napapansin natin prayoridad mga ito sa sistema ng Pilipinas. 

             
             Ang mga naroroon na bagay lang sa isang kultura ay binibigyan ng salita. Kapag itong bagay ay karaniwan sa kultura na iyon, ang pagkagawi ay marami itong katumbas na salita upang maging mas tiyak ang kahulugan. Halimbawa, maraming katumbas na salitang Filipino ang "rice":
  1. palay – unmilled rice
  2. bigas – milled rice / rice grain
  3. kanin – cooked rice
  4. lugaw – rice porridge
  5. tutong – burned rice
  6. bahaw – left over rice
  7. sinangag – fried rice
Ang "rice" ay isang karaniwang pagkain ng mga Filipino. Napapansin natin na bawat salita roon ay katumbas ng mas marami pa sa isang salita sa Ingles. Isa pang halimbawa, ano ang katumbas ng "snow" sa Filipino? Niyebe. Pero ang salitang niyebe ay mula sa salitang Español na nieve. Walang orihinal na Filipinong salita para sa "snow". Kasi hindi ito nangyayari sa Pilipinas kaya walang pangangailangan gumawa ng salita para sa "snow". Kung nagkaroon ng "snow" sa Pilipinas, wala na ring oras likhain ang salita kasi kapag nag-snow sa PIlipinas, ang ibig-sabihin ay katapusan na ang mundo. Kahit sa pelikulang "The Day After Tomorrow", hindi malikha ang itong senaryo; hanggang sa hilagang kontinente ng Amerika lang umabot ang "snowstorm".


            Dahil sa mga salita na ito, maoobserbahan natin ang isang kultura noong panahon na hindi pa dumadating ang mga mananakop. At nakaiintriga mga ito. Alam natin na ang mga Filipino ay kilala bilang mga tao may hospitalidad. Pero ang salita na ito (katulad din ang responsabilidad) ay pinaggalingan sa salitang Español. Isinasabi ba na ang mga Filipino ay hindi ganoon bago dumating ang mga Kastila? O naging mga mas komportableng terminolohiyo ito dahil sa kumbensiyon? Ang konsepto ng birhen ay napakabigat sa kontemporaryong lipunan. Pero itong salitang "birhen" ay idinala rin ng mga Kastila. Mayroon ba katumbas na "birhen" sa orihinal na Filipino? Mahalaga ba ang konseptong "birhen" sa dating kulturang Filipino? 


              Bilang isang tao mula sa Hong Kong at gumagamit pa rin ng Cantonese (isang dyalekto ng Instik), mayroon ako ibibigay na halimbawa. Alam natin sa kasaysayan na ang Hong Kong ay ibinigay sa pinakamalaking imperyo ng mundo noong ika-19 siglo, ang United Kingdom, bilang isang pambayad ng Qing Dynasty dahil natalo sila sa Opium War. Sa panahon iyon, naganap ang Industrial Revolution. Maraming nilikha na teknolohiya at idinala mga ito ng mga Ingles sa mga kanilang teritoryo. Isa sa mga doon ay ang elevator. Ang salitang "elevator" ay mula sa Amerikanong Ingles. Ang katumbas niyan sa Britanikong Ingles ay "lift". At wala naman "ft" na tunog sa Instik, kaya dahan-dahan ang tunog ito ay nagiging "lip" lamang. Katumbas ng "lift" sa Cantonese ay “升降機” (sing gong gei). Hindi ito ginagamit kapag hindi pormal ang moda ng pag-uusap. Pagkatapos ng halos mga 130 na taon, ibinalik ang Hong Kong sa China bilang isang "special administrative region" noong 1997. Labing-limang taon na ang nakalipas, Cantonese pa rin ang ginagamit; ang "salita" na ginagamit para sa elevator ay "lip" pa rin. Nagpapakita ng kapangyarihan ang kumbensiyon. Permanente na ito at mahirap o imposible na ibahin ang pagkasalita na ito. Arbitraryo nga lamang ang mga salita.